ANO BA ANG SPILLING LEVEL NG BAWAT DAM (ANGAT-IPO-LA MESA ) NA ITO?
ILAN ANG LEVEL NG MGA DAM NA ITO 5 ARAW BAGO DUMATING SI ONDOY?
ANONG LEVEL NG MGA DAM NA ITO BAGO NAG DECIDE NA PAKAWALAN ANG TUBIG?
SINO ANG NAG-UTOS UPANG MAG PAKAWALA?
SINO MISMO ANG TAONG AKTUWAL NA NAGPAKAWALA NG TUBIG?
ANO ANG LEVEL NANG UMPISANG MAGPAKAWALA?
ANO ANG LEVEL MATAPOS MAGPAKAWALA?
ILAN ANG ESTIMATED NA VOLUME ANG PINAKAWALAN NA TUBIG NG BAWAT DAM?
ILAN BA DAPAT ANG SAFE RATE NG PAGPAPAKAWALA NG DAM UPANG HINDI MAGBAHA SA MGA DADAANANG LALAWIGAN AT BAYAN?
Ang aking suhestyon:
1/ mag iwan ng sapat na espasyo sa bawat dam para sa 3 o 4 na araw o kung maari eh 5 araw na tuloy tuloy na pag ulan upang hindi sumabay sa pagulan ang pagpapakawala ng dam.
2/ isabay ang pagpapakawala sa oras ng low tide upang hindi sumabay sa high tide na kung saan mataas ang tubig dagat. Meron tayong 2 low tide sa buong 24 hours.
3/ dapat pag parating ang bagyo ay dapat na minomonitor ng media ang level ng dam, ang oras ng pagdedecide na pagpapakawala nito at ang paghinto upang masubaybayan na tama ang operasyon ng dam.
Ano ang posibleng nangyari sa aking palagay lamang:
Bago pumasok si undoy sa kalupaan ng aurora ay mataas na ang level ng dam. Kaya ng umulan ng medyo magdmag ay wala na itong paglagyan. Tingin ko iisa ang nagutos sa tatlong dam na ito na magpakawala kaya sabay sabay silang nagbukas. Siguro yung nagbukas ay itinodo ang bukas kaya ganuon kabilis ang pagtaas ng tubig. Hindi rin siguro nasabihan ang nagbukas na kung hanggang saan lang ng level ng dam upang ihinto ang pagpapaawas ng dam kayat tuloy tuloy itong pinabayaang bukas.
Ngayon dapat ay puntahan ng media ang tatlong dam na ito at ikumpara ang tubig na naibawas sa spilling level ng bawat dam upang malaman kung ilan ang pinakawalan ng mga ito.