Eto ang lagay ngayon sa lugar namin sa Pinagbuhatan. Oo maswerte dahil hindi naglampas tao pero kung tutuusin, malas din dahil hanggang bewang ang tubig, sa ibang lugar hanggang leeg, tapos hindi bumababa ang tubig. Walang magawang aksyon ang lokal na pamahalaan ng Pasig. Ni hindi masuplayan ng ayos ang mga tao, marami ang nagugutom, nagkakasakit at ang malungkot, hindi sila inaabot ng tulong. sa subdivision nga lang namin sa Villa Alegre wala na makarating na tulong eh pano pa kaya yung mga taga centennial, nagpayong, at kenneth, mga lugar na malapit na sa taytay, rizal.
Maraming sinasabi ang lokal na pamahalaan na kesyo di na babaha sa amin dahil gumawa na ng flood control at tinaasan ang mga lugar na mababa pero tignan nyo naman ang nangyari. nasaan ang sinasabing mga proyektong pipigil sa pagbaha? eh baka naman umaasa kami sa isang imaginary project... baka imbes na ipagawa ang mga proyektong ito eh ibinulsa na lang ang pera ng mga CORRUPT at WALANG KWENTANG OPISYALES NG PASIG!
Hoy local government of pasig, aba kumilos-kilos naman kayo at gawan niyo ito ng paraan, hahayaan nyo na lang bang malubog at mamamatay ang mga taga PINAGBUHATAN?! Aba eh maawa naman kayo! Saan napupunta ang pagkalaki-laking buwis na sinisingil nyo sa amin??? hindi yung puro kayo kurakot diyan sa pwesto! aba eh makonsensya naman kayo!!! >.<
9631_1209686642814_1248154238_30655920_7157566_n.jpg
9631_1209686682815_1248154238_30655921_1953692_n.jpg
9631_1209686722816_1248154238_30655922_6674752_n.jpg
|