Di nga kaaya-ayang tingnan ang sitwasyon nato. Pero ang tanong, kung makakarehistro kaya ang lahat ng to, may maitutulong kaya to sa bansa ??? o di kaya bibilhin lang ang mga botong to?? Kung bibilhin lang din ang boto, mas mabuti pa ngang di nalang magparehistro at di nalang bumoto. Kasi nakakadagdag din tayo sa perwisyo kung papayagan lang natin na bilhin ang boto natin. Kung totoong boto patroler tayo, dapat isipin natin kung anu ang tama at kung anu ang mabuti. Nasa tao po siguro ang kasalanan minsan kung bakit may mga ganito tayong problema. Hwag lang po tayong reklamo ng reklamo, dapat isipin din po natin kung anu yung mga nirereklamo natin. May karapatan lang tayong magreklamo kung nakikita talaga natin na wala tayong pagkakamali. Mag isip po ng tama! lalo na ngayon, kailangan nating lahat yun.